Home | About us | Chapters | Members | News | Forum | Laro ng Lahi | Projects and Services | Donation | Photos | Guestbook  

View all | Post a Topic | Search: «« prev (1-10)/18 next »»

EYSI-BULACAN (BASC) CHAPTER

- Ipagpatuloy natin ang nasimulan ng bawat isa. Wag nating hayaang mabalewala ang samahang pinaghirapan ng lahat. Maging ehemplo sa bawat isa, maging aktibo at mahalin para sa ikauunlad ng samahan.


-Leslie Arias Dioquino
Master Artist
Bulacan (BASC) Chapter
Pablo Picasso
Batch 8, Pink

Comments & Messages

S.O. DAY and INTERCHAPTER TEAM BUILDING

- Sa mga nagtatanong po n members ng eysi:

Student Organization University Recognition Day (Central Luzon State University)
August 4,2010(7am) CLSU auditorium

Celebration of SOU recog. and Inter-chapter team building activity will be on Aug. 7,2010
the venue will be posted soon...
kitakitz po.UPDATE ko nlng po k u if me changes. thnx po God bless po.

_bunso ng eysi_

Comments & Messages

Tanging Dasal

- Tandang-tanda ko pa noon'g highschool, pinagsulat kami ng kanta ng aming guro tungkol sa kapayapaan. Noon'g mga panahong iyon kasi (well hanggang ngayon naman), talamak ang walang tigil na alitan ng mga rebelde laban sa pamahalaan. Nauunawaan ko na bawat isa ay may iba't ibang pinaniniwalaan. Ang masakit nga lang, dahil sa mga paniniwalang kanilang ipinaglalaban, nadadamay ang mga walang kamalay-malay na sibilyan. Naisip ko'ng ipost ang kantang aking isinulat dahil sa aking pananaw, napapanahon ito. Hindi maiiwasang magkaroon ng kaguluhan sa pagsapit ng halalan. NAWA'Y MAGING PAMBUKAS-ISIP ITO HINDI LAMANG SA MGA TUMATAKBO SA POLITIKA KUNDI PATI NA RIN SA BAWAT MAMAYANG PILIPINO, BOTANTE MAN O HINDI.




Ang ating mundo'y nababalot ng kalungkutan
puno ng pighati, paghihirap at kasamaan
hinahayaang manatili ang poot sa kalooban
tanging kanyang sarili'ng pinahahalagahan



walang ibang nasa puso kundi kayamanan
pag-iimbot ang laging lumulukob sa isipan
ano ang ating gagawin upang ito'y mapigilan
at mapaghari sa puso ang pagmamahalan



kapayapaan, iyan ang tanging dasal
sigaw ng puso't isipan ng sangkatauhan
kapayapaan, sana'y mapagbigyan
ang mga daing ng nilalang ng ating inang-bayan


hiling nami'y matapos na ang lahat ng hidwaan
wala ito'ng maidudulot na magandang kahihinatnan
isipin ang kalagayan ng susunod na kabataan
kung puro kaguluhan ang kanilang magigisnan


ito na ang tamang panahon para magkasundo
ihinto na ang digmaan sa bawat dako
panatilihin natin ang pag-ibig sa isa't isa
upang ating bansay ay mabuhay ng mapayapa

Comments & Messages

Active Participation in Chatting!

- Mga brod/sis, pan0'b gmitin ang chatr0om ntn? Bkt parang palaging wlang ta0'pg ng0online aq... Ganda sna kung my active c0nversati0n tau s chat db? Saya nun 4sure! Ma-a-upd8 kgad tau s latest happenings s bwat member! ^_^

Comments & Messages

2010 Election

- What's your stand?

Comments & Messages

Planong magkaroon ng Artist Club Reunion with AC Family

- December 20 sa CLSU park daw nalang gaganapin para naman daw masulit yung pagpapagawa ng park. Tulad ng dati patloc ang style. Magi enjoy naman ang mga bata sa Laro ng Lahi.

Comments & Messages

tribya

- Gandang umaga, nag mumog ka na ba?
Bumangon sa kama, ngunit mata`y nakapikit pa.
Pupungas pungas at naghihikab pa.

Tinanggal ang bitwin sa mata, sabay suot ng salaming mata.
Pasok sa trabaho kahit medyo may amats pa.
Pero itoy noong unang panahon pa, nung syay binata pa.

Pero ngayoy pamilyado na, at naging mlaking impluwensya sa isang ahensyang makasining at kultura.
Magpinta at lumaklak ng serbesa ang natu2nan mula sa knya.
Sino itong taong ito?
May premyo ka sa Aurora pag tama ka

Comments & Messages

Artist Club Seminar Workshop

- Magkakaroon po ng isang pgpupulong para sa isang seminar workshop na ilulunsad ng mga kapatid natin sa samahan sa CLSU Mother Chapter sa pangunguna ni Brod. Elito

Comments & Messages

Pagsasaayos ng Artist Club Park sa CLSU

- Mga mahal na Brod & Sis,

Ang CLSU-Chapter ang sentro ng Artist Club. Dito nagmula ang ating samahan noong 1982, kung saan itanatag ang kaunaunahang chapter. Bilang pagkilala at pagpapahalaga sa ating pinagmulan, napagkasunduan ng Board of Trustees na ilunsad ang isang proyekto na pagandahin ang ating Mother Chapter Park. Sa pamamagitan nito maipapahayag natin sa lahat na tayo ay patuloy na gumagawa at nagkakaisa para sa sining, kultura at kalikasan. Gawin din natin itong sentro ng exhibits ng lahat ng mga gawang sining ng bawat kasapi sa lahat ng mga chapters.

Ang pamunuan ng ating samahan ay humihingi ng inyong suportang pampinansyal upang maisakatuparan ang ating proyekto.

Naka attached ang mungkahing disenyo ng ating proyekto. Bukas po ang pamunauan sa iba pang suhestyon sa mas ikagaganda n gating proyekto.

Mag log-in lang po tayo sa www.acpfi.org para sa lahat ng suhestyon, tulong at suporta.

Makasining na paggalang;

ENGR. CESAR M. MACALINAO
Board Chairman

Comments & Messages

EYSI RIDERS tatakbo na naman sa Aurora sa September

- EYSI RIDERS (conquer the Aurora province on september 2009)gaya ng napag-usap ng mga pumunta sa BANAUE

tentative date September 25 - 26, 2009 (as brod val meman suggested)

september 20 ( ride briefing - venue house of bro val @ bitas, cabanatuan city)

palista na yung mga sasama:

Comments & Messages

View all | Post a Topic | Search: «« prev (1-10)/18 next »»

CLSU Compound, Science City of Munoz, Nueva Ecija, Philippines
email: samakasining@yahoo.com / info@acpfi.org
Telephone: (+63)9175664674 / (+63)9172483139
Copyrights and program by: amangpintor
Filipino >>